Sa botong 5-4, tuluyan nang ibinasura ng Senate Electoral Tribunal (SET) ang inihaing disqualification case ni Rizalito David laban kay Sen. Grace Poe.
Ayon kay Sen. Loren Legarda na isa sa mga miyembro ng SET, tanging si Sen. Nancy Binay lamang sa hanay ng mga Senator-member ang bumoto pabor sa petisyon.
Bukod kay Legarda, bumoto para sa pagbasura ng reklamo sina Senators Bam Aquino, Cynthia Villar, Pia Cayetano at Tito Sotto.
Bumoto naman pabor sa disqualification ni Poe si Supreme Court Senior Associate Justice Antonio Carpio ganun din sina Associate Justices Teresita Leonardo-Castro at Arturo Brion.
Laman ng reklamo ni David ang umano’y kabiguan ni Poe na mapatunayan ng walang pag-aalinlangan na siya’y isang tunay na Filipino sa kabila ng kanyang pagiging “foundling” base na rin sa pagkilala ng kasalukuyang batas.
Nauna dito, sinabi ng kampo ni Poe na kaagad silang aapela kung sakaling hind imaging paborable sa kanila ang desisyon ng SET.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.