PNP bumuo ng task group para imbestigahan ang Cotabato bombing

By Rhommel Balasbas January 02, 2019 - 03:31 AM

AP Photo

Nakabuo na ang Philippine National Police (PNP) ng isang special investigation task group na tututok sa pagsabog sa isang mall sa Cotabato City na ikinasawi ng dalawa katao at ikinasugat ng 34 na iba pa.

Ipinag-utos ni PNP Chief Director Oscar Albayalde ang pagbuo sa task group upang mapanagot agad ang nasa likod ng pag-atake.

Sa isang panayam, sinabi ni PNP Spokesman C/Supt. Benigno Durana Jr. na posibleng kagagawan ng ISIS-inspired local terrorist group ang pagsabog at gumamit ang mga ito ng improvised explosive device (IED).

Batay sa mga unang resulta ng isinagawang post blast investigation ng Explosive and Ordinance Division (EOD) ng Cotabato Police, isang puti na plastic gallon ang natagpuan sa crime scene at pinaniniwalaan ito na ginamit ng mga suspek para lagyan ng IED.

Isa pang IED ang natagpuan din sa department store ng mall na matagumpay na na-defuse ng bomb experts.

Samantala, ayon kay Soccsksargen Police Regional Office (PRO) director Chief Supt. Eliseo Rasco, kabilang sa mga tinitingnang anggulo ng insidente ay ang paghihiganti laban sa militar.

Ani Rasco, nalusutan ang mga tropa ng gobyerno.

Ang Mindanao ay nakasailalim sa batas militar hanggang sa katapusan ng taon para wakasan ang mga banta ng terorismo.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.