Niyanig ng isang magnitude 3.5 na lindol ang karagatang sakop ng bayan ng Sarangani sa Davao Occidental.
Naganap ang lindol kaninang alas-10:26 ng gabi.
Ayon sa abiso ng PHIVOLCS, ang pagyanig ay naitala sa layong 276 timog-silangan ng bayan ng Sarangani, partikular sa katubigan na sakop nito.
May lalim ang lindol na walong kilometro at tectonic ang pinagmulan.
Walang inaasahang idudulot na anumang pagkasira ng ari-arian, maging aftershocks ang naturang pagyanig.
MOST READ
LATEST STORIES