Malakanyang, nakiramay sa mga biktima ng pagsabog sa Cotabato City

By Rod Lagusad January 01, 2019 - 10:17 PM

AP Photo – Rainier Canoso

Nag-paabot na ng pakikiramay ang Palasyo ng Malakanyang sa mga biktima ng pagsabog sa isang mall sa Cotabato City.

Ayon kay Presidential Spokesperson Salvador Panelo, sila ay nakikisa sa pamilya, kamag-anak at mga kaibigan ng mga naging biktima ng insidente.

Nangako naman ng palasyo na aalamin nito kung sino ang nasa likod ng pagpapasabog sa lalong madaling panahon.

Umapela naman sa publiko si Panelo na iwasan ang paggawa ng mga ispekulasyon na maaring magdulot ng takot at panic.

Dalawa ang namatay habang ansa 34 naman ang nasugatan sa pagsabog ng isang improvised explosive device sa South Seas Mall sa bisperas ng bagong taon.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.