10 sa mga naospital sa pagsabog sa Cotabato City, ligtas na sa kapahamakan

AP Photo

Nanatili pa rin sa ospital pero ligtas na sa kapahamakan ang sampung biktima ng pagsabog sa isang mall Cotabato City.

Matatandaang naganap ang pagsabong noong Lunes, bisperas ng bagong taon.

Dalawa ang namatay sa insidente habang nasa 34 ang bilang ng mga nasugatan.

Kasalukuyang nagsasagawa ng imbestigasyon ang mga otoridad para matukoy kung sino ang nasa likod ng pagpapasabog.

Una nang tiningnan ang militar na posibleng suspek ang Daulah Islamiyah at iba pang mga teroristang grupo.

Read more...