9 katao sugatan matapos sagasaan ng sasakyan sa Japan

By Rod Lagusad January 01, 2019 - 04:03 PM

AP Photo

Hindi bababa sa siyam na katao ang sugatan matapos silang sagasaan ng sasakyan habang sinasalubong ang bagong taon sa Tokyo, Japan.

Isa sa mga naturang biktima ay lubhang nasugatan dahil sa insidente.

Nakilala ang suspek na si Kazuhiro Kusakabe, 21 taong gulang, na sadyang nanagasa sa Takeshita Street sa Harajuku.

Ayon sa NHK, sinabi ng suspek sa mga pulis na ginawa niya ito bilang ‘retribution’ para sa death penalty.

Agad namang kinurdunan ng mga otoridad ang lugar na puno ng mga tao na nagdiriwang ng Bagong Taon.

TAGS: Japan, New Year, Japan, New Year

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.