Lalaki, tinamaan ng ligaw na bala sa Pangasinan

By Angellic Jordan January 01, 2019 - 01:57 PM

Sa unang araw ng 2019, nasugatan ang isang 63-anyos na lalaki matapos tamaan ng ligaw na bala sa San Carlos City, Pangasinan.

Ayon kay San Carlos City police chief Supt. Ferdinand de Asis, magpapaputok pa sana ang biktimang si Rodolfo de Guzman sa harap ng mismo ng kaniyang bahay sa Barangay Turac nang biglang tamaan ng ligaw na bala sa kaniyang kanang braso dakong 12:03 ng madaling-araw.

Agad dinala si De Guzman sa ospital at sumailalim sa operasyon para tanggalin ang bala.

Sa ngayon, sinabi ni De Asis na ligtas na ang biktima.

Dadalhin naman ang nakuhang bala sa forensic laboratory para suriin.

TAGS: New Year 2019, stray bullet, New Year 2019, stray bullet

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.