US Sen. Warren, tatakbo sa pagka-pangulo sa 2020 elections
Kakalabanin ni U.S. Senator Elizabeth Warren si U.S. President Donald Trump para sa November 2020 presidential elections.
Si Warren ay ang magiging representante ng Democratic Party para harapin ang Republican president.
Bumuo na si Warren ng exploratory committee para makapagsimula sa paglilikom ng pera sa kaniyang kampanya.
Gamit ang kaniyang Twitter account, matatandang sinabi ni Warren na mag-aanunsiyo siya sa taong 2019 kung tatakbo siya o hindi.
Nagmula ang 69-anyos na pulitiko sa Massachusetts at senador na simula 2013.
Isa si Warren sa mga matatapang na kritiko ni Trump sa kasagsagan ng 2016 presidential race.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.