Celebrities kani-kaniyang post ng pasasalamat at selebrasyon sa pagsalubong ng Bagong Taon

By Dona Dominguez-Cargullo January 01, 2019 - 07:43 AM

Kani-kaniyang post ng pasasalamat at pagdiriwang ng Bagong Taon ang mga celebrity.

Si Maine Mendoza sinabing marami siyang dapat na ipagpasalamat sa taong 2018. Sa kaniyang post sa Instagram maliban sa maraming proyekto, ipinasilip din nito ang ginagawang bagong bahay.

May bahagya namang pasaring si Maine at sinabing masaya siya na nagawa na niyang makapag move on sa toxic energy at toxic na mga taong labis na nakaapekto sa kaniya noon.

Si Vice Ganda naman sa Barcelona Spain ipinagdiwang ang Bagong Taon kasama ang kaniyang ina.

Matagal na aniyang nais ng kaniyang ina na makita ang Sagrada Familia kaya nang magkaroon siya ng tsansa ay dinala niya ito sa Barcelona.

Ang pamilya Dantes, nagpasalamat naman sa lahat ng biyaya na kanilang natanggap para sa taong 2018.

Nagpasalamat din si Marian Rivera dahil umabot na sa 6 na milyon ang kaniyang IG Followers.

TAGS: Maine Mendoza, Mariane Rivera, Vice-Ganda, Maine Mendoza, Mariane Rivera, Vice-Ganda

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.