Japanese kickboxer Tenshin Nasukawa pinabagsak ni Mayweather sa unang round ng kanilang exhibition fight

AP Photo

Pinabagsak ni Floyd Mayweather sa unang round pa lamang ng kanilang laban si Japanese kickboxing phenomenon Tenshin Nasukawa.

Technical knockout ang naging desisyon matapos na tatlong beses na bumagsak si Nasukawa sa unang round pa lang ng kanilang New Year’s Eve “exhibition” bout.

20 anyos lamang si Nasukawa habang 41 naman si Mayweather.

Malinaw sa rule ng laban na sutok lamang ang pwedeng gawin at kahit kickboxer si Nasukawa ay hindi siya pwedeng sumipa.

Limang milyong dolyar umano ang maari niyang bayarang multa kapag siya ay gumamit ng sipa.

Kapwa naman walang ambag sa rekord ng dalawa ang naturang laban.

Dahil dito, nananatiling unbeaten ang rekord ni Nasukawa bilang kickboxer.

Read more...