Metro Manila binalot ng smog matapos ang pagsalubong sa Bagong Taon
Ilang sandali lamang matapos salubungin ng publiko ang Bagong Taon, binalot na ng makapal na usok ang Metro Manila.
Sa bahagi ng Tomas Morato at Scout Circle sa Quezon City poor visibility ang naranasan ng mga motorista.
Parehong sitwasyon din ang naranasan sa Ortigas Avenue sa Pasig City.
Bagaman kapansin-pansin na mas kakaunti ang gumamit ng paputok ngayong taon, binalot pa rin ng makapal na usok ang Metro Manila.
Ngayong araw nakatakdang magpatawag ng press conference ang Environmental Management Bureau ng DENR para iupdate ang publiko hinggil sa air pollution status at air quality matapos ang pagsalubong sa taong 2019.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.