18 naputukan isinugod sa Jose Reyes Hospital; 6 naman sa East Ave. Med. Center sa kasagsagan ng pagsalubong sa 2019
By Dona Dominguez-Cargullo January 01, 2019 - 06:52 AM
Umabot sa 18 ang naisugod na sa Jose Reyes Memorial Medical Center sa Maynila na pawang nasugatan nang dahil sa paputok.
Sa East Avenue Medical Center naman, as of alas 12:00 ng madaling araw, 6 ang naisugod dahil sa paputok.
Lima sa kanila ang nasugatan matapos maputukan at isa ang nakalunok ng pulbura.
Maliban sa firecracker related injuries mayroon ding 13 katao na naisugod sa East Avenue dahil sa aksidente, at may 3 na nasugatan dahil sa pananaksak.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.