1 patay, 5 sugatan sa nasunog na residential area sa Pasig

By Angellic Jordan, Dona Dominguez-Cargullo January 01, 2019 - 06:40 AM

(Updated) Patay ang isang lola habang sugatan naman ang kaniyang limang kamag-anak sa naganap na sunog sa residential-commercial area sa Pasig City, araw ng Martes.

Kinilala ni Fire Supt. Aristotle Bañega, fire marshall ng Pasig, ang 50-anyos na biktimang si Josefina Arañador.

Tulog ang mga biktima nang sumiklab ang sunog mula sa ikalawang palapag ng isang gusali dakong 3:31 ng madaling araw.

Ayon sa BFP, umabot lamang sa unang alarma ang sunog na tumagal nang isang oras.

Patuloy namang ginagamot ang limang sugatan sa ospital dahil sa nalanghap na usok sa sunog.

Aabot sa P70,000 ang kabuuang halaga ng pinsala sa naturang sunog.

Samantala, tinupok ng apoy din ang isa pang residential area sa Sta. Ana sa Maynila.

Nagsimula ang sunog, pasado 12:00 ng madaling araw na umabot lang sa 1st alarm.

12:39 naman ng madaling araw nang ideklarang fire out na ang sunog.

Nadamay sa sunog ang ikatlong palapag ng isang bahay sa bahagi ng Estrada Street.

TAGS: fire incident, manila, pasig, fire incident, manila, pasig

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.