Serena Williams, wagi kontra kay Maria Sakkari sa Hopman Cup

AP file photo

Nagwagi ang American tennis player na si Serena Williams sa kaniyang pagbabalik-laro sa Hopman Cup.

Natalo ng 37-anyos na manlalaro si Maria Sakkari sa iskor na 7-6(3) at 6-2 sa kategoryang Group B.

Gayunman, nakapagtala ng 2-1 win loss record ang Amerika makaraang matalo si Frances Tiefoe ng manlalarong si Stefanos Tsitsipas mula sa Greece.

Ayon kay Williams, masaya ang kanilang pakiramdam sa muling paglalaro para sa Amerika.

Ito ang unang competitive match ni Williams matapos matalo ni Naomi Osaka sa 2018 U.S. Open final.

Read more...