Hanging amihan, patuloy na makaaapekto sa Luzon

Photo grab from PAGASA’s website

Apektado ng Northeast Monsoon o hanging amihan ang malaking bahagi ng Luzon.

Sa 4:00 am weather update ng PAGASA, makararanas ng maulap na may mahina hanggang sa katamtamang pag-ulan ang mga rehiyon ng Cagayan Valley, Aurora at Quezon.

Mahinang pag-ulan din ang mararanasan sa mga rehiyon ng Ilocos region, Cordillera Administrative Region (CAR), Bicol region at nalalabing bahagi ng Central Luzon.

Ayon pa sa weather bureau, bahagya hanggang sa maulap na papawirin na may ilang mahihinang pag-ulan ang mararanasan sa Metro Manila at nalalabing bahagi ng Luzon.

Ang Visayas at Mindanao naman ay apektado ng mga localized thunderstorms.

Read more...