AFP, kinundena ang pag-atake sa Cotabato City; teroristang grupo posibleng may kinalaman

AP Photo – Rainier Canoso

Hindi isinasantabi ng mga militar ang posibilidad na mayroong mga teroristang grupo na sangkot sa pambobomba sa isang mall sa Cotabato City.

Sa isang pahayag, mariing kinondena ni Armed Forces of the Philippines chief of staff Lieutenant General Benjamin Madrigal ang pag-atake at sinabing ikinukonsidera nila ang pagkakasangkot dito ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) at kanilang breakaway group na Daulah Islamiya.

Ayon kay Madrigal, bukod sa dalawang grupo ay pinag-aaralan din ng kanilang hanay ang iba pang mga grupo na nais maghasik ng lagim sa Mindanao.

Hinimok ni Madrigal ang mga residente ng Cotabato City na manatiling nakaalerto at agad ipagbigay-alam sa mga otoridad ang mapapansing kahina-hinalang indibidwal o gamit upang maiwasang maulit ang pambobomba.

Sa ngayon ay naka-lockdown ang buong lungsod dahil sa pagpapasabog.

Read more...