Representative Batocabe, inihatid na sa huling hantungan

By Justinne Punsalang January 01, 2019 - 04:15 AM

Hindi inalintana ng mga taga-suporta, kaibigan, at kamag-anak ni Ako Bicol Representative Rodel Batocabe ang ulan para lamang maihatid ang pinaslang na mambabatas sa huli nitong hantungan.

Sa bisperas ng Bagong Taon inilibing ang mga labi ni Batocabe sa Daraga Catholic Cemetery.

Ayon sa pamilya Batocabe, ang naturang libingan ang personal na pinili ng mambabatas bilang kanyang huling hantungan.

Sinabi umano nito na dahil sa Daraga siya ipinanganak ay doon din siya dapat ilibing bilang isang tunay na Daragueño.

Bago inilibing ay nagkaroon muna ng misa sa Our Lady of the Gate Parish na pinamunuan ni Bishop Joel Baylon ng Diocese of Legazpi.

Lubos ang pasasalamat ng asawa ng pinatay na mambabatas na si Gertie at anak na si Justin sa lahat ng nagpakita ng kanilang suporta at simpatya sa kanilang pamilya.

TAGS: Rodel Batocabe, Rodel Batocabe

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.