Kapayapaan matatamasa sa pamamagitan ng tunay na paglilingkod – Archbishop Tagle

By Justinne Punsalang January 01, 2019 - 03:55 AM

Hinimok ni Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle ang publiko na maglingkod nang tunay upang matamasa ang kapayapaan.

Sa kanyang New Year’s message, sinabi ni Tagle na sa pamamagitan ng “wagas na diwa ng paglilinkod” ay makakamit ng buong nasyon ang inaasam nitong kapayapaan.

Aniya, nagkakaroon ng kaguluhan dahil sa kawalan ng tunay na paglilingkod.

Kaya naman aniya, upang magkaroon ng kapayapaan ngayong panibagong taon ay dapat magkaroon ng tunay na paglilingkod sa iba’t ibang lebel ng lipunan — sa pamilya, sa mga paaralan, sa mga negosyo, sa pamahalaan, sa Simbahan, at sa lahat ng lugar.

Paliwanag ng arsobispo, ang tunay na paglilingkod ay iyong pagbibigay ng serbisyo sa kapwa nang walang hinihiling kapalit, hindi pakabig, at hindi mapagsamantala.

TAGS: Luis Antonio Cardinal Tagl, New Year, Luis Antonio Cardinal Tagl, New Year

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.