2 rebelde, napatay sa engkwentro sa Agusan del Sur

By Justinne Punsalang January 01, 2019 - 03:54 AM

Nasawi ang dalawang miyembro ng New People’s Army (NPA) matapos makasagupa ang mga otoridad sa boundary ng Agusan del Sur at Bukidnon sa bisperas ng Bagong Taon.

Ayon kay Lieutenant Colonel Ronald Illana, commander ng 8th Infantry Battalion, nilusob ng pinagsanib na pwersa ng 8IB at 43rd Division Reconnaissance Company ang kuta ng mga rebeldeng komunista sa Barangay Binicalan sa San Luis, Agusan del Sur.

Bukod sa dalawang hindi nakilalang mga rebelde, ilan din mga miyembro ng NPA ang sugatan, bagaman hindi pa batid ang eksaktong bilang ng mga ito.

Narekober ng mga sundalo mula sa kuta ng NPA ang dalawang M14 rifles.

Ayon sa 4th Infantry Division, tinutugis ng mga militar ang mga nakatakas na rebelde.

TAGS: agusan del sur, NPA, agusan del sur, NPA

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.