2 lalaki arestado dahil sa pagpapaputok ng baril sa Navotas City

By Justinne Punsalang January 01, 2019 - 03:52 AM

Sa loob ng kulungan nagdiwang ng Bagong Taon ang dalawang lalaki matapos maaresto dahil sa indiscriminate firing o pagpapaputok ng baril sa Navotas City.

Ayon sa mga otoridad, ilang mga residente ang nagsumbong tungkol sa pagpapaputok umano ng baril ng dalawang lalaki sa Barangay NBBN.

Agad na bineripika ng pulisya ang ulat at pagdating sa lugar ay nahulihan ang dalawa ng kalibre .45 baril na kargado ng mga bala.

Bukod pa rito ay narekober din mula sa mga ito ang isang sachet ng shabu.

Iginiit ng mga suspek na hindi sa kanila ang ipinagbabawal na gamot, bagaman aminado ang mga ito na pag-aari nila ang bahil.

Mahaharap ang mga suspek ng illegal discharge of firearms, maging paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

TAGS: indiscriminate firing, navotas, New Year, indiscriminate firing, navotas, New Year

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.