Bilang ng mga nasawi dahil sa pananalasa ng #BagyongUsman posible pang tumaas
Nangangamba ang National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) na posible pang lumobo ang bilang ng mga iniwang nasawi ng Bagyong Usman.
Sa huling tala ng ahensya, umabot na sa 68 ang bilang ng mga nasawi, 57 dito ay mula sa Bicol Region, habang ang nalalabing 11 ay mula naman sa Eastern Visayas.
Ayon kay Director Edar Posadas, tagapagsalita ng NDRRMC, 40 ang nasawi sa Bicol Region dahil sa landslide na dulot ng walang patid na pag-uulang dala ng bagyo.
25 naman ang nananatiling nawawala hanggang sa ngayon.
Limang pagguho ng lupa ang naitala sa rehiyon.
Lubha ring naapektuhan ng bagyong Usman ang lalawigan ng Oriental Mindoro na nakaranas ng malawakang pagbaha.
Ayon sa Orienal Mindoror Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO), aabot sa P112 milyon ang kabuuang pinsala sa agrikultura matapos mag-overflow ang pangunahing ilog ng lalawigan.
EXCERPT:
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.