Higit 20 mga bilanggo, makalalaya sa pagbubukas ng 2019
Inanunsyo ni Justice Secretary Menardo Guevarra na marami pang mga bilanggo mula sa New Bilibid Prison (NBP) ang makalalaya na sa mga susunod na araw.
Ani Guevarra, 24 na mga bilanggo ang makatatanggap ng executive clemency mula kay Pangulong Rodrigo Duterte.
Ang naturang bilang ay bukod pa sa 40 mga bilanggo na nakalaya noong Pasko.
Mula sa 40 mga bilanggo, 32 dito ang binigyan ng parole ng Board of Pardon and Parole, habang ang walo naman ay nakumpleto na ang kanilang sintensya.
Tumanggi ang Bureau of Correction (BuCor) na pangalanan ang naturang mga bilanggo, ngunit ayon sa ahensya, apat sa mga ito ay convicted sa mga kasong murder at homicide.
Ani Guevarra, asahan na ang paglaya ng 24 na mga bilanggo sa mga susunod na araw kapag natapos nang iproseso ng Office of the President (OP) ang kanilang mga dokumento.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.