Sagada, nakasara sa unang araw ng taon

Pansamantalang nakasara sa publiko at mga turista ngayong unang araw ng 2019 ang Sagada.

Batay sa anunsyong inilabas ng Philippine Information Agency (PIA) Cordillera, pagpapahingahin muna ang iba’t ibang mga tourist destinations sa Sagada ngayong araw kasabay ng pagdiriwang ng mga Sagadans ng Bagong Taon.

Sa kasunod na anunsyo, sinabi rin ng PIA Cordillera na kasabay ng pansamantalang pagsasara ng Sagada sa loob ng isang araw ay suspendido rin ang lahat ng biyahe ng mga bus papunta at paalis ng Baguio City at Sagada ngayong araw.

Ang mga turistang gustong magtungo ng Sagada na sakay ng mga pribadong sasakyan ay maaari namang makapasok sa lugar, ngunit paalala ng lokal na pamahalaan ng Sagada, walang bukas na mga tourist destinations ngayong araw.

Magbabalik sa normal na serbisyo ang mga bus bukas, January 2.

Read more...