6 na flights sa NAIA, nakansela dahil sa masamang panahon

By Alvin Barcelona December 31, 2018 - 09:53 PM

Umaabot na sa anim na flights sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ang kinansela hanggang ngayong hapon dahil sa masamang panahon.

Ayon sa Media Relation Division ng Manila International Airport Authority (MIAA), pinakahuling nakansela ang flights ng Cebu Pacific na 5J 506 at 507 na biyaheng Tuguegarao at pabalik ng Maynila at ang Cebgo flights DG 6117 at DG 6118 na biyaheng Naga at pabalik ng Maynila.

Nauna nang kinansela ng Cebu Pacific na biyahe nitong Manila-Tuguegarao-Manila na 5J 504 at 5J 505.

Kaugnay nito, inabisuhan na ng airline company ang mga apektadong pasahero nito na makipag ugnayan sa kanila para sa rebooking ng kanilang flight o refund ng tiket.

TAGS: Bagyong Usman, cancelled flights, NAIA, Bagyong Usman, cancelled flights, NAIA

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.