Mahigit sa 13,000 katao, nanatili sa evacuation center dahil sa pananalasa ng Bagyong Usman – DSWD

By Rod Lagusad December 31, 2018 - 03:57 PM

PHOTO COURTESY OF BUHI POLICE

Nanatili sa mga evacuation centers dahil sa pananalasa ng Bagyong Usman ang aabot sa 3,448 na mga pamilya o nasa 13,469 na mga indibidwal ayon sa Department of Social Welfare and Development (DSWD).

Apektado ang mga residente ng mga lalawigan ng Cavite, Laguna, Batangas, Rizal, Quezon, Mindoro, Marinduque, Romblon, Palawan, Bicol at ang Eastern Visayas.

Base sa ulat ng DSWD Disaster Response and Management Bureau (DRMB) ay nanatili ang mga apektadong mga residente sa 112 na mga evacuation centers.

Ayon sa DSWD ay may naka-stand by nang mga emergency telecommunication equipment kung kakailanganin.

Sa kasalukuyan, aabot na sa P395,144 na halaga ng tulong ang naibigay ng DSWD sa mga local government units (LGUs).

TAGS: Bagyong Usman, dswd, Bagyong Usman, dswd

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.