Mga pinagbabawal na paputok, nasabat sa Nueva Ecija

Nasabat ang P50,000 na halaga ng mga ilegal na putok na ibinebenta sa Barangay Imelda sa Nueva Ecija.

Ayon kay Supt. Ponciano Zafra nakumpiska ang mga ipinagbabawal na putok kay Shirley Santiago, 38 taong gulang.

Ang naturang barangay ay hindi kasama sa mga itinalagang firecracker zone.

Nakumpiska ang mga sumusunod:
– 7 piraso ng Goodbye Philippines
– 10 pack ng Kabasi
– 30 pack ng Five-Star
– 15 pack ng Plapla
– 30 kahon ng Piccolo
– mga Sinturon ni Hudas
– mga bundle ng firerworks tulad ng skyrocket.

Read more...