Ban sa mga karne ng baboy, mula sa ilang bansa sa Europe at Asia, ipinag-utos ni Sec. Piñol

By Alvin Barcelona December 31, 2018 - 03:53 PM

Ipinag-utos ni Agriculture Sec. Manny Piñol ang ang ban sa pagpasok sa bansa ng mga karne ng baboy at mga pork products mula sa ilang bansa bansa sa Europe at Asia.

Partikular dito ang mga karne at produkto mula sa Belgium, China, Poland, Hungary, Romania, Ukraine at Russia.

Kaugnay nito hinigpitan na ng Bureau of Animal Industry ang pagpasok sa mga entry points ng mga bansa mga karne na posibleng kontaminado ng African Swine Fever.

Ang nasabing sakit ay nakakahawa at nakakamatay na virus na nakaka apekto sa baboy.

Maaari rin itong mag-mutate at makaepekto sa kalusugan ng tao.

TAGS: DA, Manny Piñol, pork, DA, Manny Piñol, pork

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.