LOOK: Ilang flight sa NAIA kinansela, araw ng Lunes (Dec. 31)

Photo grab from MIAA’s Facebook page

Kanselado ang ilang biyahe sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA), araw ng Lunes.

Sa abiso ng Manila International Airport Authority (MIAA), ito ay bunsod ng umiiral na sama ng panahon.

Kinansela ang dalawang Cebu Pacific flights sa NAIA Terminal 3 na 5J 504 at 505 biyaheng Manila-Tuguegarao-Manila.

Pinayuhan naman ng MIAA ang mga apektadong pasahero na makipag- ugnayan sa airline company para sa rebooking o refund ng kanilang ticket.

Read more...