Camarines Norte, isinailalim na sa state of calamity

Google photo

Isinailalim na sa state of calamity ang Camarines Norte bunsod ng iniwang pinsala ng Bagyong Usman.

Sa anunsiyo ng Camarines Norte Provincial Information Office, inapurbahan ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council (PDRRMC) ang rekomendasyon ng probinsya na magdeklara ng state of calamity sa lalawigan.

Sa huling tala ng Office of the Civil Defense (OCD), 57 katawan ang narekober sa Bicol Region habang anim naman sa Camarines Norte.

Karamihan sa bilang ng mga nasawi ay mula sa naturang probinsya.

Read more...