4 na manufacturer ng paputok, nahuli sa Bulacan

By Angellic Jordan December 31, 2018 - 10:40 AM

Inquirer file photo

Arestado ang apat na manufacturer ng ilegal na paputok tulad ng Goodbye Philippines at pla pla sa Bocaue, Bulacan.

Nahuli ang mga suspek sa ikinasang raid sa isang workshop sa Sitio Bihunan, Barangay Binang matapos ipagbigay-alam ng ilang residente sa lugar.

Dinala ang isa sa mga suspek na si Blandino Cao, 50-anyos, sa Rogaciano Memorial Hospital sa bayan ng Sta. Maria matapos magtamo ng ilang injury dahil sa tangka nitong pagtakas.

Hindi naman nagbigay ng karagdagang detalye ang pulisya sa pagkakakilanlan ng tatlo pang suspek.

Nakuha sa mga suspek ang pitong ream at anim na pack ng pla pla, apat na pirasong Goodbye Philippines, isang sako ng five-star at 1,000 rounds ng sawa.

Ayon kay Bocaue fireworks manufacturing and trading group leader Leah Alapide, patuloy silang nakikipag-ugnayan sa pulisya para maaresto ang mga hindi lisensyadong gumagawa ng paputok.

TAGS: Bulacan, New Year 2018, Paputok, Bulacan, New Year 2018, Paputok

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.