Hindi pagtuloy ng ‘balloon drop’ event ng Cove Manila, ikinatuwa ng DENR

By Angellic Jordan December 31, 2018 - 10:09 AM

Welcome sa Department of Environment and Natural Resources (DENR) ang desisyon ng Cove Manila na hindi ituloy ang ‘largest balloon drop’ event sa Bisperas ng Bagong Taon.

Sa isang panayam, sinabi ni DENR Undersecretary Jomas Leones na nakatutuwa na kinonsidera ng event organizers ang panawagan ng publiko.

Layon ng panawagan na maiwasang makadagdag sa dami ng basura sa bansa at pagkasira ng kapaligiran.

Unang nagplano ang Cove Manila na magpakawala ng mahigit 130,000 na lobo para makamit ang isang Guinness World Record.

Matapos makakuha ng mga negatibong reaksyon, pinlano pang ilipat ang event sa loob ng Okada Manila sa Parañaque City.

Ani Leones, kung sa labas idaraos ang event ay bawal ito.

Sakali namang natuloy ang event sa loob ng naturang hotel, tututukan aniya ito ng DENR at magiging istrikto kung paano itatapon ang mga lobo.

TAGS: 'largest balloon drop' event, Cove Manila, DENR, 'largest balloon drop' event, Cove Manila, DENR

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.