Bilang ng sunog sa Metro Manila sa 2018, tumaas – BFP-NCR

By Angellic Jordan December 31, 2018 - 08:38 AM

Tumaas ang bilang ng mga insidente ng sunog sa Metro Manila ngayong taon.

Sa isang panayam, sinabi ni Col. Rizalde Castro mula sa Bureau of Fire Protection – National Capital Region (BFP-NCR) na mayroong naitalang 4,698 na insidente ng sunog ngayong 2018.

Mas mataas ito kumpara sa datos na 4,646 noong taong 2017.

Aniya, nangungunang dahilan ng mga sunog ay ang problema sa kuryente at sumunod naman ang sigarilyo.

Sinabi naman ni Castro na malaking tulong ang Executive Order No. 28 ni Pangulong Rodrigo Duterte para maiwasan ang sunog dahil sa mga paputok.

Kasunod nito, tiniyak ng opisyal ang publiko na paiigtingin ng ahensya ang Oplan Paalala, Iwas Paputok sa pamamagitan ng pagsasagawa ng inspeksyon sa pagsalubong ng 2019.

Maliban dito, binabantayan din aniya ang mga tindahan ng paputok kung may sapat na permit mula sa mga lokal na pamahalaan at sa BFP.

TAGS: BFP-NCR, Metro Manila, sunog, BFP-NCR, Metro Manila, sunog

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.