Pagpatay sa brodkaster sa Negros Oriental, kinondena ng CHR

Naalarma na ang Commission on Human Rights (CHR) sa panibagong kaso ng pagpatay sa brodkaster sa Negros Oriental na si Gabriel Alburo o mas kilala bilang Kumander Agila.

Ayon kay CHR spokesperson Jacqueline Ann de Guia, kinokondena ng kanilang hanay ang pagpatay kay Alburo.

Lubha na aniyang nakababahaala ang mga kaso ng patayan dahil pinatay si Alburo ng riding-in-tandem sa mataong lugar dahilan para malagay din sa panganib ang bubay ng mga ordinaryong sibilyan.

Panawagan ng CHR sa mga awtoridad, paigtingin pa ang paglalatag ng seguridad para masigurong hindi malalabag ang karapatang pantao ng bawat isa.

Matatandaang kamakailan lamang naging sunud-sunod ang kaso ng mga pagpatay sa mga pari, abogado, pulis, sundalo at iba pa.

Read more...