Pag-apak ng isang opisyal ng Jordan sa watawat ng Israel ipinrotesta
Naghain ng protesta ang Israel matapos na apakan umano ng tagapagsalita ng Jordan ang kanilang watawat.
Naglakad at inapakan ni Jumana Ghunaimat, minister for media affairs and communications ng Jordan ang Israeli flag na naka-pinta sa sahig ng headquarters ng professional unions ng Jordan sa Amman.
Papunta sa isang pulong ang opisyal at kakausapin nito noon si Jordanian Prime Minister Omar Al Razzaz at mga kinatawan ng Union.
Si Razzaz ay sa parehong lugar din dumaan pero sa kabilang pintuan ito pumasok para maiwasang tapakan ang watawat.
Sa pahayag ng foreign ministry office ng Israel, kinondena nito ang pambabastos sa kanilang watawat.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.