1 patay matapos atakihin ng nakatakas na leon sa isang animal center sa North Carolina

By Dona Dominguez-Cargullo December 31, 2018 - 07:03 AM

Isa ang patay makaraang atakihin ng nakatakas na leon sa isang animal center sa North Carolina sa Amerika.

Sa pahayag sinabi ng Conservators Center sa Burlington na isang 22 anyos na newly-hired na empleyado ang inatake ng leon.

Nagsasagawa umano ng routine enclosure cleaning ang kanilang team na binubuo ng professionally trained animal keeper nang makalabas ang leon sa kulungan.

Nagpunta ito sa isang lugar at doon inatake ang biktimang si Alexandra Black.

Si Black ay mula sa NEw Palestine sa Indiana at kakatapos lamang mag-aral sa Indiana State University at dalawang linggo pa lang nagtatrabaho sa Center.

Hindi naman nilinaw sa pahayag kung paanong nakatakas ang leon.

TAGS: conservators center, Lion, north carolina, conservators center, Lion, north carolina

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.