Ibinida ng Bureau of Customs (BOC) na nakamit ng kanilang ganay ang revenue target collection para sa taong 2018.
Ito ay dahil sa nakalikom ang BOC ng P585 bilyon o 100.1 percent sa P584 bilyong target collection.
Mas mataas ito ng 27.8 percent kumpara sa revenue collection noong 2017 na umabot lamang sa P458 bilyon.
Bagama’t nakamit ng BOC ang kabuuang target collection, nabigo naman ang Manila International Container Port (MICP) na may pinakamataas na annual revenue target na makamit ang minimithi.
Ito ay dahil sa nakakolekta lamang ang MICP ng P165 bilyon. Kapos sa P180 bilyong target collection.
Bigo rin sa collection target na P88.103 bilyon ang Port of Manila dahil nakakolekta lamang ito ng P86.191 bilyon.
Bigo rin ang Port of Ninoy Aquino International Airport na makamit ang P46.171 bilyong revenue target matapos nakakolekta lamang ng P40.85 bilyon.
Ayon kay BOC Commissioner Rey Leonardo Guerrero, lalo pang paiigtingin ng kanilang hanay ang revenue collection sa susunod na taon pati na ang paglaban sa korupsyon.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.