DOLE pinagsusumite ng compliance report ang mga employer hinggil sa pagbayad ng 13th month pay

Mayroong hanggang January 15, 2019 ang mga employer para ireport sa Department of Labor and Employment (DOLE) ang pagsunod nila sa pagbibigay ng 13th month pay.

Ayon sa DOLE, sa ilalim ng batas dapat noong Dec. 24, naibigay na ang 13th month pay sa mga manggagawa.

Matapos ito, dapat ay magsusumite ang mga employer ng compliance report sa DOLE Regional Offices.

Sa nasabing report, nakasaad dapat ang pangalan at address ng establisyimento, bilang ng mga empleyado, bilang ng mga nakatanggap ng 13th month pay at kung magkano ang naibayad.

Read more...