Anim na rebeldeng NPA patay sa engkwentro sa Negros Oriental

Patay ang anim na hinihinalang miyembro ng New People’s Army sa engkwentro na naganap sa Negros Oriental.

Ayon sa Armed Forces of the Philippines, kinilala ang mga nasawing rebelde na sina Reneboy Fat, Demetrio Fat, Dondon Isugan, Constancio Languita, Jun Cubul at Jaime Revilla.

Maliban sa mga nasawi mayroon ding naarestong 24 na iba pa sa ikinasang magkakahiwalay na operasyon kabilang si dating Guihulngan Mayor Cesar Macalua.

Ayon sa AFP, nagsilbi sila ng search warrants laban sa 103 katao sa Guihulngan City at mga bayan ng Mabinay, La Libertad at Santa Catalina.

Ang anim na nasawi ay pawang nanlaban umano sa mga otoridad kaya nauwi sa shootout ang operasyon.

Nabatid na pinoprotektahan ng mga miyembro ng NPA an mga drug personalities sa Negros Oriental.

Read more...