Presyo ng mga paputok sa Bocaue, Bulacan tumaas

By Rhommel Balasbas December 31, 2018 - 03:23 AM

Tumaas ng hanggang 30 porsyento ang presyo ng mga paputok sa Bocaue, Bulacan mula kahapon araw ng Linggo.

Ito ay dahil sa pagdagsa ng mga mamimili na ang ilan ay mula pa sa Ilocos, Cavite, Baguio, Zambales at Metro Manila.

Ilan sa mga pinakamabiling paputok ay:

Lucis na P50 kada 10 piraso
• Fountain na magsisimula sa P50 depende sa tagal at laki
• Sinturon ni Hudas na P150 hanggang P2000 depende sa rounds
• Kwitis na P400 kada 100 piraso
• at Aerial fireworks na P800 hanggang P20,000 depende sa brand

Inaasahan namang mas lolobo ang presyo ng mga paputok ngayong umaga sa pagdagsa pa ng mga mamimili.

Dahil dito, inaasahan na ang mas mabigat pang trapiko.

Nauna nang nagpaalala ang pulisya at ang Bureau of Fire Protection na magpaputok lamang sa mga itinalagang firecracker zones.

TAGS: Bagong Taon, bocaue, Bulacan, New Year 2019, Bagong Taon, bocaue, Bulacan, New Year 2019

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.