Thanksgiving procession alay sa Itim na Nazareno, dinagsa ng mga deboto

Courtesy of Quiapo Church

Hindi napigilan ng magdamagang pag-ulan ang pagdasa ng libu-libong mga deboto sa Thanksgiving Procession para sa Itim na Poong Hesus Nazareno.

Halos hindi mahulugan ng karayom ang dami ng mga deboto sa paligid ng Quiapo Church.

Wala pang alas-12:00 ng hatinggabi, dagsa na ang mga mananampalataya bitbit ang sari-sariling imahen ng Poon.

Pinayuhan naman ng lokal na pamahalaan ang mga motorista na gumamit ng mga alternatibong ruta dahil isasara ang mga kalsada malapit sa Basilika ng Quiapo.

Sa Enero, magaganap muli ang taunang Traslacion kasabay ng kapistahan ng Itim na Nazareno na dinadaluhan ng milyun-milyong katao.

Read more...