Sara Duterte, pinangunahan ang Rizal Day ceremony sa Davao
Pinangunahan ni Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio ang paggunita sa ika-122 taong anibersaryo ng kamatayan ni Dr. Jose Rizal sa Rizal Park sa Davao City.
Humalili ang Presidential daughter kay Pangulong Rodrigo Duterte para sa flag-raising at wreath-laying ceremony.
Kasama ng alkalde sina Armed Forces of the Philippines (AFP) chief Lt. Gen. Benjamin Madrigal Jr. at National Historical Commission of the Philippines executive director Ludovico Badoy.
Sa kaniyang talumpati, sinabi ni Sara na umaasa siyang makapag-inspire at makapagbigay ng pag-asa para isabuhay ang pagiging makabayan ni Rizal sa pamamagitan ng pagsuporta sa mga adhikain ng gobyerno.
Partikular na binanggit nito ang kampanya ng administrasyon kontra korupsyon, kriminalidad at ilegal na droga.
Dagdag pa nito, magkatuwang dapat ng talino at kahabagan tulad ng ginawa ni Rizal.
Sinai ng Palasyo ng Malakanyang na abisuhan ng doktor si Pangulong Duterte na magpahinga kaya hindi nakadalo sa seremonya.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.