Lin-Manuel Miranda ng ‘Moana,’ bibida sa Disney film na ‘Mary Poppins Returns’

AP photo

Matapos makilala sa cartoon film na ‘Moana,’ sasabak naman si Lin-Manuel Miranda sa panibagong Disney film na ‘Mary Poppins Returns.’

Makakasama ni Miranda ang batikang aktres na si Emily Blunt na gaganap bilang si Mary Poppins.

Gagampanang role ni Miranda ang karakter na si Jack na dating kaibigan ni Mary Poppins.

Ayon kay director Rob Marshall, isa sa mga kaabang-abang sa pelikula ang pagganap ni Miranda sa naturang role.

Aniya, kilala na si Miranda bilang isang magaling na composer at writer.

Ngunit, mahusay din aniya ang aktor umarte, kumanta at sumayaw na hindi pang karaniwan sa mga isang tao.

Matatandaang na-nominate si Miranda sa Grammy Award dahil sa pag-compose ng original song ng Disney film na “How Far I’ll Go.”

Read more...