(update) Isinara na sa mga motorista ang maraming lansangan sa Metro Manila para bigyang daan ang mga convoy ng mga APEC delegates na magdaratingan sa bansa ngayong araw.
Mula alas 7:30 pa lamang ng umaga, apektado na ang bahagi ng Cavitex Coastal Road dahil halos wala nang galawan sa NAIA Road patungo ng Roxas Boulevard.
Ito ay batay sa abiso ni Philippine National Police – Highway Patrol Group (PNP-HPG) Chief Arnold Gunnacao. “Apektado rin ang Cavitex Coastal Road ngayong umaga kasi halos stop ang NAIA Road to Roxas Blvd. 7:30am pa lang. Hanggang 1PM po ang sunod-sunod na dating ng APEC leaders na dadaan sa rota na ‘yun. 30 mins bago aalis ng airport ay stop na ang trafffic kaya halos closed siya buong umaga,” ayon kay Gunnacao sa isang text message.
Sa abiso naman ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), sarado na mula 8am ang MIA Road, NAIA Road, Roxas Blvd., EDSA Magallanes NB, Ayala Ave, Buendia NB, at Skyway Magallanes.
Pagdating ng alas 11:20 ng umaga, mas lalo pang nadagdagan ang bilang ng mga saradong kalsada.
Narito ang updated road closure as of 11:20AM ayon sa MMDA:
– EDSA Buendia SB
– Skyway mula Nichols / Sales hanggang Magallanes (both directions)
– MIA/NAIA Road (both directions)
– Roxas Blvd. (both directions)
– approaching Split EDSA Magallanes (both directions)
– Ayala to EDSA Extension (both directions)
– Ayala Tunnel (both directions)
– Whole stretch of Magallanes Interchange (both directions)
– Airport Road (both directions)
– Domestic Road (both directions)
– Quirino Ave (both directions)