Bilang ng mga stranded na pasahero sa pantalan, bumaba na sa halos 700
(Updated) Sa kabila ng tuluyang pag-alis sa bansa ng low pressure area na dating Tropical Depression “Usman,” stranded pa rin ang ilang pasahero sa iba’t ibang pantalan sa bansa.
Sa update ng Philippine Coast Guard (PCG) bandang 12:00 ng tanghali, bumaba na sa 798 ang bilang ng mga pasaherong naipit sa mga pier.
Kalahati sa naturang bilang ay naitala sa mga pier sa Southern Tagalog.
Narito ang bilang ng mga stranded na pasahero sa mga pantalan:
Central Luzon – 281
Southern Tagalog – 423
Western Visayas – 36
Bicol region – 58
Inabisuhan pa rin ang lahat ng PCG unit na siguraduhin ang istriktong pag-iimplementa ng HPCG Memorandum Circular Number 2-13 o guidelines sa galaw ng mga barko tuwing mayroong sama ng panahon.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.