Bilang ng sugatan dahil sa paputok, umakyat na sa 46 – DOH

By Angellic Jordan December 30, 2018 - 02:31 PM

Nadagdagan pa ang bilang ng mga sugatan dahil sa paputok ngayong taon.

Sa pinakahuling tala ng Department of Health (DOH), bandang 6:00, Linggo ng umaga (December 30), mayroon nang 46 na kaso ng firecracker-related injuries.

Sa isang panayam, sinabi ni Health Undersecretary Eric Domingo na kalatahi lang ang bilang kumpara sa kaparehong petsa noong nakaraang taon.

Lumalabas aniya sa resulta na pababa ang pattern ng bilang ng mga nasusugatan ng paputok sa bansa taun-taon.

Limang biktima naman ang dumaan sa finger amputation dahil sa paputok.

Dagdag pa ng opisyal, karamihan sa mga biktima ay may edad 10 hanggang 14 taong gulang.

TAGS: doh, New Year 2019, Paputok, doh, New Year 2019, Paputok

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.