Umabot na sa 143 na aftershocks ang naitala ng Phivolcs matapos ang magnitude 7.2 na lindol sa Davao Oriental.
Ayon kay Phivolcs director Renato Solidum, karamihan sa mga aftershocks ay hindi naramdaman ng tao.
Ayon kay Solidum, isang malakas na aftershock lamang ang naitala ng 5:13 ng hapon noong Sabado o anim na oras matapos ang malakas na lindol kung saan umabot sa 5.6 magnitude.
Dagdag ni Solidum, downward movement at tail end ng Philippine trench na nasa Philippine sea ang lindol noong Sabado.
Malalim aniya ang lindol kung kaya hindi nagdulot ng mataas na tsunami.
MOST READ
LATEST STORIES