Pope Francis, nagdarasal para sa mga biktima ng pagsabog sa Egypt

By Rhommel Balasbas December 30, 2018 - 05:59 AM

AP Photo

Nagpahayag ng kalungkutan si Pope Francis sa nangyaring pagsabog sa Egypt na ikinasawi ng apat katao kabilang ang tatlong Vietnamese tourists.

Sa kanyang telegrama sa pangulo ng Egypt na si Abdel Fattah Al Sisi, kinondena ng Santo Papa ang naganap na pag-atake na tinawag niyang walang awa at brutal.

Ayon kay Pope Francis, ipinananalangin niya ang mga biktima at kanilang mga pamilya, mga sugatan, at maging mga emergency personnel na rumesponde sa pag-atake.

Sa huli, hinikayat ng Santo Papa ang lahat ng mga mamamayan ng Egypt na harapin ang karahasan nang may pagkakaisa at kapayapaan.

Biyernes ng gabi nang pasabugan ang isang tourist bus lulan ang mga Vietnamese sa Marioutiyah malapit sa Giza pyramids.

Isiniksik sa isang pader ang bomba bago ito pasabugin ayon sa mga awtoridad.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.