Video: Apat na bus na puno ng Anti-riot police, dumating sa Roxas Blvd.
Nagtalaga ng karagdagan pang mga anti-riot police sa Rajah Sulayman Park sa Roxas Boulevard sa Maynila.
Apat na bus na puno ng anti-riot police ang dumating bilang dagdag pwersa at magbabantay sa Roxas Boulevard laban sa mga raliyista.
Pagbaba pa lang nakasuot na ay kumpleto na proteksyon ng mga anti-riot police na may bitbit na mga truncheon, shield at helmet.
Wala ng nakakadaan na mga motorista sa magkabilang bahagi ng Roxas Boulevard maliban sa mga accredited vehicles ng Philippine National Police at Philippine Coast Guard, at iba pang units na naatasan magbantay sa lugar.
Binabantayan ding mabuti ng mga tauhan ng Coast Guard ang baybayin ng Manila Bay at nakaposte ang limang patrol boats sa hindi kalayuan para sa ipinatutupad na no sail at exclusion zone para sa APEC Summit.
Samantalang ang mga joggers at bikers naman na nag-eehersisyo ay dito na lamang pinapayagan sa service road.
Tinututukan ng PNP ang lahat ng mga freedom park gaya ng Rajah Sulayman dahil sa inaasahan mga raliyista na maaring magsagawa ng kilos-protesta kontra sa APEC.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.