Bulan, Sorsogon, isinailalim sa state of calamity

By Rhommel Balasbas December 30, 2018 - 03:53 AM

Isinailalim na sa state of calamity ang bayan ng Bulan, Sorsogon dahil sa pinsalang idinulot ng Bagyong Usman.

Ayon sa mga opisyal ng Bulan, umabot sa 2,285 indibidwal o 852 pamilya ang kinailangan nilang ilikas.

Nakaranas ng mga pagbaha at pagguho ng lupa ang bayan dahil sa bagyo.

Dalawa ang nasawi habang tatlo ang sugatan matapos maganap ang magkakahiwalay na landslides sa mga baranggay ng Cadandanan, Calpi, Palale, Quirino at San Juan Daan at mga sitio ng Calomagon, Liman, R. Gerona at Taromata.

Kinilala ang isa sa mga nasawi na si Jaime Moriko, 71 anyos na namatay dahil sa hypothermia.

Tinatayang nasa P4.06 milyon na ang pinsala sa agrikultura ng bagyo.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.