Nasagip ng pulisya ang tatlong dalagita edad 15 at 16 sa isang sex den sa Tuguegarao City, Cagayan.
Ayon kay Tuguegarao City Police Chief Supt. George Cablarda, ang mga biktima ay residente ng Dagupan, Pangasinan.
Pinangakuan umano ang mga ito ng trabaho bilang crew ng isang fastfood chain.
Inihahanda na ang mga reklamo laban sa mga sinasabing recruiter na sina Sonia Lopez at Jessie Raguingan.
Kakasuhan ang dalawa ng paglabag sa Anti-Trafficking in Persons Act.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.